I am under the weather today...bigla ko kasing naisip ang buhay ko. After college kasi, limandi na ako, nag asawa at nagkaron ng 3 kids. Masayang malungkot at mahirap ang buhay ng isang housewife..actually parang wala atang buhay hehehe! gusto ko sana as much as possible puro masaya lang ang i share kaso di ata ganun ang life, di pwedeng puro saya..
na experience mo na ba magkaulong sa banyo kasi ayaw mong makita ka ng mga anak mong umiiyak..e ang umiiyak ka tapos may dumating na kamag anak ang asawa mo tapos syempre dapat happy ang mood mo kaya para kang tangang may luha pero umeemote ng smile. Minsan kaya sa grocery store nagtalo kayo ni mister at nasigawan ka sa public place or worst namura ka pa e may nakitang friend na beso at chika ever sa yo...... nakakatawa na para kang artista minsan, mahirap naman sa lahat ng pagkakataon sasabihin mong dapat magpaka totoo ka sa nararamdaman mo..di naman ganun ang buhay. May mga times na dapat marunong ka lumangoy sa alon, sana lang wag malunod. Isipin mo din kasi ang tsismis na masasagap ng iba hahaha, mahilig pa naman tayo dyan.....
mahirap ang buhay may asawa, dalawang magka ibang personalidad, ibang pagpapalaki so ano ang i expect mo di ba. Mala san juanico bridge na patience ang kailangan para tumagal ang buhay may asawa, kailangan din accepted mo sya ng buo kasama duon ang pinaka masama nyang ugali, pinaka mabahong utot at pinaka mabahong laway sa umaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment